click click click

Showing posts with label Litratong Pinoy. Show all posts
Showing posts with label Litratong Pinoy. Show all posts

Wednesday, May 12, 2010

Litratong Pinoy : Estranghero (Stranger)

 


Siya ang isa sa mga estranghero na nakikita ko sa lungsod ng Sydney. Siya ang tinatawag nating "shoe-shine boy" o taga-linis ng sapatos. Ako'y napahanga niya sapagkat kahit madalang na may umuupo sa harapan niya para magpalinis ng sapatos, siya ay matiyaga pa ring naghihintay at magiliw siyang magsilbi kapag naman may nagpapalinis ng sapatos sa kanya.

Maligayang Huwebes!




For translation, click here.

Thursday, October 15, 2009

Litratong Pinoy: Maagap

Ito ang aking lahok para sa Litratong Pinoy ngayong Huwebes na may temang MAAGAP.

Ganitong oras ako gumigising tuwing ako'y may pasok sa opisina.

Kami ay may alarm clock, pero mas sanay na ako ngayon na gamitin ang alarm feature ng aking mobile phone

Pwede naman akong magpa-tanghali ng gising dahil flexible time kami sa opisina pero masasabi ko na ako ay isang "morning person". Pag maaga akong dumarating sa opisina, mas productive ako at mas focused sa trabaho. At bilang isang wifey, mas gusto ko rin kasing nakakauwi nang mas maaga (alas-kwatro ng hapon) para mas maaga akong makapaghanda ng hapunan at mas maaga rin akong makapahinga sa bahay.

Pag nag-alarm na ang aking mobile phone, babatiin ka pa niya ng isang masayang umaga!

Kayo, anong oras kayo gumigising pag merong kayong pasok? Share naman dyan ;)

Thursday, August 20, 2009

Litratong Pinoy: Mirienda

Ito ang aking lahok para sa Litratong Pinoy ngayong Huwebes na may temang MIRIENDA.

Ang Vanilla Cupcake at Green Tea ay isa sa mga pagkain at inumin na minsan kong kinakain tuwing mirienda. Gusto ko ang kombinasyon nitong dalawang ito dahil sweet na sweet ang dating ng Vanilla Cupcake habang ang Green Tea naman ay refreshing kahit ito'y mainit.

Maligayang Huwebes!

Friday, August 7, 2009

Litratong Pinoy: Almusal

Ito ang aking lahok para sa Litratong Pinoy ngayong Huwebes na may temang ALMUSAL.

Halika na pumikit limutin ang problema
Hihintayin ang umaga
Magpahinga, panaginip ang ikaliligaya
Darating din ang umaga

Chorus:
Basta't tayo'y magkasama
Laging mayro'ng umagang kay ganda
Pagsikat ng araw
May dalang liwanag
Sa ating pangarap, ooh...
haharapin natin (haharapin natin)

Magpahinga, panaginip ang ikaliligaya
Darating din ang umaga

Chorus:
Basta't tayo'y magkasama
Laging mayro'ng umagang kay ganda
Pagsikat ng araw
May dalang liwanag
Sa ating pangarap, ooh...
haharapin natin (haharapin natin)

Bridge:
Ang sikat ng araw
Na may dalang liwanag

Chorus:
Basta't tayo'y magkasama
Laging mayro'ng umagang kay ganda
Pagsikat ng araw
May dalang liwanag
Sa ating pangarap, ooh...
haharapin natin (haharapin natin)

Umagang Kay Ganda, OPM Song

Thursday, July 30, 2009

Litratong Pinoy: Proteksyon

Ito ang aking lahok para sa Litratong Pinoy ngayong Huwebes na may temang PROTEKSYON.

Ang World Youth Day 2009 rosary na ito ay regalo ng isa sa aming matalik na kaibigan. Pinili namin itong isabit sa rearview mirror ng aming sasakyan upang maging gabay at proteksyon namin saan man kami mag-byahe.

Thursday, July 23, 2009

Litratong Pinoy: Nakakakilabot

Ito ang aking lahok para sa Litratong Pinoy ngayong Huwebes na may temang NAKAKAKILABOT.

Minsan ko lang makita na nabuka ang bibig ng crocodile sa Featherdale Wildlife Park at nang makita ko ito, ako ay namangha...

at kinilabutan!!!!

Nakakatakot nang mapag-masdan ko ang laki ng bunganga nya at nang malalaki nyang pangil. Nakakakilabot di ba?

Kayo, anong mga bagay ang nakakabigay kilabot sa inyo?

Wednesday, February 11, 2009

Litratong Pinoy: Puso

Ito ang aking lahok para sa Litratong Pinoy na may temang PUSO.

Dalawa sa pinakaimportanteng bagay sa buhay naming mag-asawa ay ang aming Unity Coins at Wedding Cord.

Ang pinaka-paborito kong Unity Coin ay ang coin na may simbolo ng Love.

At ito naman ang box kung saan namin nilagay ang aming Unity Coins at Wedding Cord na may simbolo ng dalawang Anghel na may nakasulat na Love.

Dalawang simbolo na maaring nakakalimutan namin sa araw-araw. Dalawang simbolo na maaring hindi na namin inilalabas sa munting kahon nito para tignan. Pero ang dalawang simbolo na ito, hindi man maisip or makita, ay palaging nasa PUSO namin.

Maligayang Araw ng mga Puso...hindi lang para sa Sabado, kundi para sa araw-araw :)

Thursday, January 15, 2009

Litratong Pinoy: Asul

Ito ang aking lahok para sa Litratong Pinoy ngayong Huwebes na may temang ASUL.

Si STITCH na mula sa sikat na cartoon movie na "Lilo and Stitch" ay isa sa mga paborito kong cartoon character.

Ito ang pinaka-una kong Stitch na stuffed toy. Nang minsang nagkasakit ako at nang dumalaw ang aking ex-boyfriend (na ngayon ay asawa ko na) sa aming bahay, sinorpresa niya ako sa pamamagitan ng pagbigay nito. Hanggang ngayon na mag-asawa kami ay katabi namin ito matulog.

Ang pangalawa kong Stitch na bagay ay galing pa rin sa aking asawa. Ito ay isang key chain na binili nya sa isang souvenir shop sa Hongkong Airport nang siya ay mag-stop over mula Maynila papunta sa Dubai. Ito rin ang isa sa mga bagay na nagpapaalala sa amin na kami ay dumanas ng long distance relationship.

Ito namang Stitch na ito ay regalo sa akin ng aking pinsan na si Patrick. Espesyal ito dahil binili niya pa ito sa Hongkong Disneyland. Tuwang-tuwa ako nang matanggap ko ito dahil kahit munting bata lang (anim na taong gulang palang siya noon) ang aking pinsan ay nakuha niyang maalala ako.

Ang pinakahuling item sa aking Stitch mini-collection ay ang stuff toy na "Stitch and Angel" kung saan magkayakap si Stitch at ang kanyang kasintahan na si Angel. Nakita ko ito sa isang toy store sa Singapore nang kami ay mag-stopover doon last year. Pinapaalala naman nitong stuffed toys na ito na sa wakas ay magkasama na kaming muli ng asawa ko dahil nang mabili namin ito sa Singapore, pabalik na ako ng Sydney mula Dubai na kasama ang asawa ko.

Maligayang Huwebes!

Thursday, January 8, 2009

Litratong Pinoy: Pula

Ito ang aking lahok para sa Litratong Pinoy ngayong Huwebes na may temang PULA.

Ang nakakahiligan kong inumin ngayon ay ang PULAng Alak (Red Wine). Simula nang kami'y pumunta sa Hunter Valley, halos araw-araw ay umiinom na kami ng aking asawa ng red wine. Natutunan kasi namin (nang kami ay mag-wine tasting sa Hunter Valley) na ang red wine ay mayaman sa antioxidants at nakakatulong na makaiwas sa coronary heart disease. Ang red wine ay maganda din daw na anti-stress drink.

English Translation:

This is what I like drinking nowadays. Since my husband and I went to the Hunter Valley, we've been drinking red wine almost everyday. We learned (during the wine tasting in Hunter Valley) that red wines are rich in antioxidants and helps in preventing coronary heart disease. It was also mentioned that red wine is good as an anti-stress drink.

Wednesday, December 3, 2008

Litratong Pinoy: Eksayted! (Excited!)

Ito ang aking lahok sa Litratong Pinoy na may temang Eksayted!

This is my entry to Litratong Pinoy's Theme Excited!

Marami sa atin ang eksayted na sa panahong ito dahil malapit na ang Pasko, pero ako, mas eksayted akong salubungin ang Bagong Taon.

At sa sobrang pagka-eksayted ko, Oktubre palang bumili na ako ng 2009 Planner. Kasi ang daming kong hinahangad na mangyari sa susunod na taon, ang ilan sa mga ito ay:

(1) ang pagsalubong sa Bagong Taon na kapiling ang aking asawa at gusto ko ay ma-experience din niya kung paano mag-celebrate ng bagong taon dito sa Australia.

(2) ang pag-celebrate namin ng aking asawa ng 2nd wedding anniversary NA MAGKASAMA (nasa Dubai pa kasi siya nung mag-1st year anniversary kami).

(3) ang pag-celebrate ng aking kaarawan na kasama ang asawa ko (ulit!).

(4) ang katuparan ng mas marami pa naming pangarap para sa munti naming pamilya.

(5) ang makapiling ang aking mga magulang dahil SANA ay matuloy ang kanilang pagbabakasyon dito (ito ay mataimtim kong pinagdarasal ngayon).

Maligayang Huwebes!

English Translation:

A lot of us are looking forward to Christmas, but me, I'm more excited to celebrate the New Year.

And because I'm so excited for 2009 to come, I already bought a planner in October. Because I'm wishing for a lot of things to happen in 2009 like:

(1) Welcoming 2009 with my Husband and showing him how Australia celebrates the New Year.

(2) Celebration of our 2nd Wedding Anniversary TOGETHER (because he was in Dubai when we had our 1st Wedding Anniversary).

(3) Celebration of my birthday with my husband (again!)

(4) Realization of more dreams of our little family.

(5) Spend time with my parents, hoping they will come here for a vacation (this one I'm really praying so fervently).

Happy Thursday!

Wednesday, November 12, 2008

Litratong Pinoy: Kinagisnan

Ito ang aking lahok para sa Litratong Pinoy na may temang KINAGISNAN.

Ang dalawang bagay na kinagisnan ko mula pagkabata:

(1) Ang pagbasa ng libro araw-araw

(2) At ang madalas na pagkain ng gulay

Utang na loob ko sa mga magulang ko na pinalaki nila akong busog sa mga aral na dulot ng mga libro at malusog nang dahil sa pagkain ng gulay.

Maligayang Huwebes!

Wednesday, November 5, 2008

Litratong Pinoy: Maalaala Mo Kaya?

Ito ang aking lahok sa Litratong Pinoy na may temang

MAALAALA MO KAYA?

...sana sa pagtanda namin maalaala pa rin ng aking asawa kung saan nagsimula ang lahat.

...one of my hopes is that when we're old and gray, my husband will still remember where it all started.

Thursday, October 30, 2008

Litratong Pinoy: Kadiliman

Ito ang aking lahok sa Litratong Pinoy na may temang KADILIMAN.

Ito ang view na kasalo namin sa tuwing kakain kami ng hapunan sa aming munting tahanan. Kapag maganda ang sikat ng araw during the day, ganito ang kulay ng langit kapag palubog na ang araw. Sobrang ganda diba? Nakaka-relax talaga at nasasambit ko ang mga katagang, "Salamat sa Diyos at nakauwi na ako."

Maligayang Huwebes!

This is the view we have at home during dinner time. When the sun shines brightly during the day, this is the colors that you will see in the horizon during sunset. It's so beautiful, isn't it? The view is relaxing and always make me say, "Thank God I'm home."

Happy Thursday!

Thursday, October 23, 2008

Litratong Pinoy: Liwanag ng Kandila


Ito ang aking lahok sa Litratong Pinoy na may temang LIWANAG.



Mahilig ka ba sa kandila? Ako, oo. Pag-brownout (black out/biglang nawalan ng kuryente), gustong-gusto kong pagmasdan ang liwanag na dulot ng kandila. Para sa akin, ang pagsindi ng kandila ay simbolo ng katahimikan, pag-iisip o pagpapahinga.

Maligayang Huwebes sa inyong lahat!