Thursday, June 26, 2008

Litratong Pinoy: Pag-aaral

Minsa'y nakita ko ang mga batang Boracay na papunta sa paaralan. Dalawa lamang ang naramdaman ko sa panahong iyon: tuwa at paghanga.

Natuwa ako dahil nakita ko sa mukha nila ang sabik at ligaya nang dahil sa pag-aaral. Humanga ako dahil kahit hindi kumpleto ang kanilang mga kagamitan, punong-puno pa rin sila ng pag-asa na sana'y makatapos sila sa pag-aaral.

*Litratong kuha sa Boracay, Enero 2007*

Once I was able to see the kids of Boracay go to school. The only two things I felt at that time: happiness and admiration.

I was happy because I saw in their faces the excitement and joy they felt because of the privilege of being able to study. I admired them because even if the things they needed for school were incomplete, they are still full of hope that one day they will graduate.

*Photo taken in Boracay, January 2007*