Friday, October 24, 2008

Kamusta Ako?

Tagged by Eve (salamat!). According to Eve's blog, kailangan ko daw isulat kung kamusta ako ngayon, pero dapat 10 ang sagot ko, hehehe. Puro something about 10's yata ang entries ko since yesterday. O sige, eto ang sagot ko:

1. Feel kong mag-taglish ngayon kahit sa totoong buhay eh ayoko nang nagsusulat at nagsasalita ng tag-lish in one sentence. Pero dahil Friday (anong connect?) at pagod ako today, magsusulat ako na parang sumusulat ng email sa isang kaibigan.

2. Mabuti naman ako. Recovering from my ubo (nung Monday sipon lang eh, pero meron na rin akong ubo ngayon) and pharyngitis. I'm really trying to get well as soon as I can.

3. Busy-busyhan sa trabaho. Ewan ko ba at matapos lang akong mawala ng tatlong araw eh na-doble ang trabaho ko bigla. Pagbalik ko nung Wednesday, nadagdagan ang mga trainees na aalagaan ko. Que horror. Kinausap ako ng boss ko yesterday, tinanong niya kung okay lang daw ba. Eto ang sagot ko kanya, "We can survive (we pertaining to our team), yes. We can do it, yes. But there will be delays in some deliverables." Oh ha? Ang taray! Bakit ba? At least alam niya.

4. Kumakain ako ng Pandesal with Cheez Whiz at umiinom ng green tea habang nagsusulat nitong meme na ito.

5. Nakakain ako ulit sa Pepper Lunch kagabi!!! Yehey! :) For the first time, I got to try their Beef Pepper Rice. Daming kanin, konti lang ang beef. I therefore conclude na bitin sa beef ang Pepper Rice nila. At isa pang conclusion, hindi ako makatagal ng isang buwan na walang Pepper Lunch.

6. May dalawa pa akong tag/meme na hindi nagagawa. Sa weekend sana magawa ko na.

7. Ang dami kong gustong isulat tungkol sa mga bahay eklavu, as in. I really want to write stuff about home management especially now that I'm managing our own home. I've got about two drafts already but I haven't got the time to sit down and work on it.

8. Okay naman ang bahay-bahayan namin ni Husband. Hindi pa kami kumpleto sa gamit. Sa totoo lang, wala kaming lounge room hehe. Kasi ang tanging furniture namin para sa living room area ay ang 2-seater sofa na bigay ng aking tita. Ang aming bedroom ay Japanese style, kasi may mattress kami pero walang bed frame :). Wala rin kaming mga electronics chuva tulad ng TV, DVD at stereo. Halos lahat ay nagtataka kung bakit wala kaming TV. Eh lalo kaming nagtaka sa mga nagtanong kasi hindi naman kami mamamatay kung walang TV. Ang guest room namin ay storage room dahil nandun lahat ang mga nagkalat na boxes at luggages. Ang plano namin ay per area ang pag-ayos ng unit namin. Kaya kung wala pa kaming pambili ng iba pang furnitures, okay lang. We believe that what we have now are enough because what we have are the essentials. At kung magkaroon kami ng housewarming, bring your own chairs hehehe.

9. Anniversary ko dito sa trabaho last Wednesday. One year na pala akong "officially" nagse-serve sa taong-bayan ng New South Wales.

10. Bukas ay my Wine Tasting Adventure kami ni Husband. From morning til afternoon may wine tasting kami. Sana hindi kami ma-lasheng.

Okay, kailangan ko daw mag-tag. I tag: Armi, Frances (chylle), Pizzi, Jo, Gracey, Gneth, Ice, Joy (efrenjoy), Alyn and Maryan.

Happy Weekend!