Mga bata, natatandaan nyo pa ba ang kantang ito?
PAGMULAT NG MATA, LANGIT NAKATAWA
SA BATIBOT, SA BATIBOT
TAYO NANG MAGPUNTA, TUKLASIN SA BATIBOT
ANG TUWA, ANG SAYA
DOON SA BATIBOT, TAYO NA, TAYO NA
MGA BATA SA BATIBOT MALIKSI, MASIGLA. (2X)
DALI, SUNDAN NATIN ANG NGITI NG ARAW
DOON SA BATIBOT (2X)
TAYO NANG MAGPUNTA TUKLASIN SA BATIBOT
ANG TUWA, ANG SAYA
DOON SA BATIBOT, TAYO NA, TAYO NA
MGA BATA SA BATIBOT MALIKSI, MASIGLA. (2X)
Yan ang Theme Song ng pinaka-paboritong children's TV show namin ni Chris na Batibot, kung saan ang layunin ay magturo ng mga mabubuting asal at impormasyong/araling pambata sa pamamagitan ng mga kwento, sayaw at awitin. Dito rin natin nakilala sila...
Natatandaan nyo pa ba sila?
Si Pong Pagong ang friendly pagong na mahilig sa Kangkong at ang best friend nyang si Kiko Matsing na mahilig naman sa saging ang mga pangunahing mga karakter sa Batibot. Araw-araw silang napapanood noon sa TV, kasama pa nila si Kuya Bodjie at si Ate Sienna na napakagaling magkwento ng mga alamat at kung ano-ano pa.
Eto pa ang kanilang ibang mga kasama sa Batibot:
Oh diba? Kung isa kang katulad namin na masugid na fan ng Batibot noon, sigurado akong napapangiti ka ngayon dahil naalala mo ang panahon na inaliw ka ni Manang Bola at ng kanyang Perlas na Bilog; si Irma Daldal na parating take 2 kay Direk (at sobra talaga nyang daldal na reporter); ang mga kulitan ni Sitsiritsit at Alibangbang; at ang lambingan ng magkapatid na Ning-ning at Ging-ging.
Nung isang linggo, parang kaming nagkaroon ng Batibot Festival ni Chris dahil tuwing gabi nagkakantahan kami ng mga paborito naming awit mula sa Batibot tulad ng:
Alin ang Naiba? (madalas itong kantahin ni Pong Pagong, gayang-gaya ni Chris ang boses ni Pong kaya tawa lang ako ng tawa pag ito na ang kinakantan namin)
Alin? Alin? Alin ang naiba?
Isipin kung alin ang naiba?
Isiping mabuti
Isipin kung alin
Isipin kung alin ang naiba?
Pag-gising sa Umaga (pag kinakanta namin ito, may actions pa kami at ang tagal naming matapos kantahin kasi tawa kami ng tawa)
Pag-gising sa umaga, kami'y naghihilamos
Tignan n'yo kung paano
Isa-dalawa-tatlo (2x)
Kami'y naghihilamos
Pag-gising sa umaga, kami'y nagsi-sepilyo
Tignan n'yo kung paano
Isa-dalawa-tatlo (2x)
Kami'y nagsi-sepilyo.
Pag-gising sa umaga, kami'y nagsusuklay
Tignan n'yo kung paano
Isa-dalawa-tatlo (2x)
Kami'y nagsusuklay.
Pag-gising sa umaga (2x)
Ugaliin, araw-araw (2x)
Maghilamos
Magsepilyo
Magsuklay!
Napakanta ba kayo? hehehe. Ang saya diba?
*sigh* Na-miss talaga namin ang Batibot...nakakalungkot isipin na wala nang Batibot na napapanood ang mga bata ngayon. Nung isang beses ay nabanggit pa ni Chris na ang swerte namin noon at nagkaroon kami ng pagkakataong makapanood ng isang pambatang TV show kung saan marami kaming natutunan at naaliw pa kami. Nang dahil sa Batibot, higit ngang naging makulay at masigla ang aming kabataan :).