click click click

Thursday, January 15, 2009

Litratong Pinoy: Asul

Ito ang aking lahok para sa Litratong Pinoy ngayong Huwebes na may temang ASUL.

Si STITCH na mula sa sikat na cartoon movie na "Lilo and Stitch" ay isa sa mga paborito kong cartoon character.

Ito ang pinaka-una kong Stitch na stuffed toy. Nang minsang nagkasakit ako at nang dumalaw ang aking ex-boyfriend (na ngayon ay asawa ko na) sa aming bahay, sinorpresa niya ako sa pamamagitan ng pagbigay nito. Hanggang ngayon na mag-asawa kami ay katabi namin ito matulog.

Ang pangalawa kong Stitch na bagay ay galing pa rin sa aking asawa. Ito ay isang key chain na binili nya sa isang souvenir shop sa Hongkong Airport nang siya ay mag-stop over mula Maynila papunta sa Dubai. Ito rin ang isa sa mga bagay na nagpapaalala sa amin na kami ay dumanas ng long distance relationship.

Ito namang Stitch na ito ay regalo sa akin ng aking pinsan na si Patrick. Espesyal ito dahil binili niya pa ito sa Hongkong Disneyland. Tuwang-tuwa ako nang matanggap ko ito dahil kahit munting bata lang (anim na taong gulang palang siya noon) ang aking pinsan ay nakuha niyang maalala ako.

Ang pinakahuling item sa aking Stitch mini-collection ay ang stuff toy na "Stitch and Angel" kung saan magkayakap si Stitch at ang kanyang kasintahan na si Angel. Nakita ko ito sa isang toy store sa Singapore nang kami ay mag-stopover doon last year. Pinapaalala naman nitong stuffed toys na ito na sa wakas ay magkasama na kaming muli ng asawa ko dahil nang mabili namin ito sa Singapore, pabalik na ako ng Sydney mula Dubai na kasama ang asawa ko.

Maligayang Huwebes!