click click click

Wednesday, February 11, 2009

Litratong Pinoy: Puso

Ito ang aking lahok para sa Litratong Pinoy na may temang PUSO.

Dalawa sa pinakaimportanteng bagay sa buhay naming mag-asawa ay ang aming Unity Coins at Wedding Cord.

Ang pinaka-paborito kong Unity Coin ay ang coin na may simbolo ng Love.

At ito naman ang box kung saan namin nilagay ang aming Unity Coins at Wedding Cord na may simbolo ng dalawang Anghel na may nakasulat na Love.

Dalawang simbolo na maaring nakakalimutan namin sa araw-araw. Dalawang simbolo na maaring hindi na namin inilalabas sa munting kahon nito para tignan. Pero ang dalawang simbolo na ito, hindi man maisip or makita, ay palaging nasa PUSO namin.

Maligayang Araw ng mga Puso...hindi lang para sa Sabado, kundi para sa araw-araw :)