click click click

Thursday, August 7, 2008

Litratong Pinoy: Nag-iisang Bandido ng Buhay Ko

Ito ang aking lahok sa Litratong Pinoy para sa linggong ito na may temang AKO (o parte ko).

Siya si Bandido, ang asawa ko. Bandido ang alias nya sa dati naming trabaho kung saan dun ko rin siya nakilala. Nitong nakaraang Martes lamang may nagtanong sa akin kung bakit Bandido ang tawag ko sa kanya, at eto ang sagot ko:

"ang history nun ay nanggaling sa dati naming workplace. yes, office romance ang drama namin hehehe. in the department where he belonged, there were two christophers...so pag nagtawag ang boss ng "Christopher!" dalawa silang tumatayo...so yung isang officemate namin, bigla syang tinawag na "Crispulo Bandido" (i think that name came from an old pinoy movie--not sure) na na-shorten into "Bandido", na may variations pa na "Bands" or "Bandits". simula noon, yun na ang naging pangalan nya sa buong company :)."

Si Bandido ang umuukupa ng napakalaking parte ng buhay ko. Bukod sa pagiging asawa ko, siya ay isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan. Isa siya sa pinakamabait na taong nakilala ko at nagpapasalamat ako na siya ang naging kabiyak ko. :)