click click click

Thursday, October 23, 2008

Pinoy Top Ten: 10 Bagay Na Aking Pinagmamalaki Bilang Filipino

Pinoy Top Ten: 10 Bagay Na Aking Pinagmamalaki Bilang Filipino

1. Tayo ay magalang lalo na sa mga nakakatanda, tinuruan tayong magsabi ng "po" at "opo" ng ating mga magulang.

2. Tayo ay masayahin, kaya nating tawanan ang kahit anong problemang ating hinaharap.

3. Tayo ay maka-Diyos.

4. Tayo ay mapagmahal sa pamilya, kamag-anak at kaibigan. Natural sa atin ang maging mapagbigay at matulungin sa ating mga mahal sa buhay.

5. Tayo ay masipag at matiyaga, kahit nahihirapan na ay kaya nating magtiis.

6. Tayo ay madaling mag-adjust sa mundong ginagalawan natin.

7. Ang likas na yaman ng ating bansa tulad ng mga dalampasigan, bundok at kagubatan na dinadayo pa mga turista.

8. Tayo ay matatalino at magaganda (naks!).

9. Na sa tuwing may makakasalubong tayong kakilala ay tatanungin natin sila ng "Kumain ka ba?" Tayo ay thoughtful sa ganung paraan.

10. Na ang bawat Filipino ay nagmamahal sa kanyang bansa kahit saan man siya naroon.

marami pa dito: http://pinoytopten.wordpress.com/