1.Marunong ka bang magluto?
- oo
2.Kumakain ka ba ng ampalaya?
- oo, isa ito sa mga paborito kong gulay
3.Anong mas gusto mo, Mcdo or Jollibee?
- McDo. Love ko 'to :)
4.Anong madalas mong inoorder sa number 3?
- Cheeseburger meal at 6-piece Nuggets
5.Mahilig ka ba sa maanghang?
- oo, kailangan parating may hot sauce sa bahay
6.Nahilig ka ba sa scrambled?
- kung ang tinutukoy mo ay ang scrambled na binebenta sa kalye, yung kulay pink na nakaka-tonsilitis, hindi.
7.Anong mas gusto mong sawsawan ng fishball, ung matamis o ung maanghang?
- yung maanghang
8.Anong paborito mong sangkap ng halo-halo?
- leche flan at nata de coco
9.Sumusunod ka ba sa instruction ng isang recipe?
- hindi. binabase ko sya sa panlasa ko at nang mga kakain nito
10.Anong kakanin ang gustong gusto mong kainin?
- kutsinta at suman
11.Bumibili ka ba ng samalamig na may sagong maliliit?
- oo, miss ko na nga yun eh kaya sa bahay gumagawa na lang kami nito
12.Banana-q o Turon?
- banana-Q
13.San ka madalas kumain ng tapsilog?
- Tapa King
14.Nasarapan ka ba sa Pearl Cooler?
- oo, pero nang uminom ako nyan, bigla akong nilagnat kaya di na ako umulit
15.Thick crust or Thin crust?
- Thin crust
16.Kinakain mo ba ung taba na nasa dulo ng pork bbq?
- minsan
17.Bumibili ka ba sa manong na nagtitinda ng tuhog tuhog na mangga at singkamas?
- nung high school ako, bumibili ako nyan sa labas ng school namin tuwing uwian
18.Catsup ba o Mayonnaise ang sawsawan mo ng French fries?
- wala
19.Ano ang madalas na Special Order request mo kapag umoorder ka sa fast food restaurant?
- less ice sa iced tea hehehe.
20.Dine-in or Take-out?
- dine-in
21.San ka nakakain ng masarap na sisig?
- sa Dencio's (Phils) at sa Lutong Bahay (dito sa Sydney)
22.Ala Carte or Set Meals?
- Ala Carte para pwedeng mag-share
23.Mahilig ka bang mag-softdrinks?
- hindi talaga ako umiinom ng softdrinks, iinom lang ako pag yun ang si-nerve ng host kasi nahihiya akong humingi ng tubig
24.Kumakain ka ba ng nakakamay?
- kapag dapat kamayin ang nakahain na pagkain nagkakamay ako
25.Anong paborito mong ipalaman sa tinapay?
- corned beef sa pandesal, tuna naman kung normal bread
26.Nakakain ka na ba ng adidas at ulo ng manok?
- yung adidas nakakain na, yung ulo ng manok hindi pa
27.Tinatabi mo ba yung komiks sa bazooka?
- oo!!! dati collection ko ito nung bata ako. kaya ako mahilig bumili ng bazooka bubble gum dahil sa komiks.
28.Chicharon or Fish Cracker?
- chicharon na isa-sawsaw sa sukang maanghang
29.Bumibili ka ba nung laruan na may candy sa loob?
- oo...kasi nae-excite ako kung ano yung candy sa loob ng laruan
30.Nakatikim ka na ng kwek-kwek?
- yeah!!! meryenda ko 'to parati sa office nung nagwo-work pa ako sa Makati
31.Kinakain mo ba ung sisiw na nasa balut?
- hindi. takot ako eh.
32.Nagmimidnight snack ka ba?
- ang midnight snack ko 8 or 9pm hehehe...maaga kasi ako natutulog eh.
33.Malakas ka ba sa kanin o sa ulam?
- bina-balanse ko eh. dapat sa bawat subo ko sapat ang kain at ang ulam
34.Champorado o Lugaw?
- lugaw with tokwa't baboy
35.Cheese Ensaymada o ung plain lang?
- cheese ensaymada para espesyal hehehe
36.Boy Bawang o Cornbits?
- boy bawang!
37.Kapag Wet Goods, Grocery o Palengke?
- sa grocery na lang.
38.Anong part ng manok ang paborito mo?
- thigh
39.Nasubukan mo na bang iulam ang chippy?
- hindi pa...ma-try nga minsan
40.Curly Tops o Nips?
- curly tops
41.Anong paborito mong luto sa itlog?
- sunny side up
42.Kumakain ka ba ng dinuguan?
- pag alam ko kung sino ang nagluto, kailangan ko kasi malaman na malinis ang pagkakaluto ng dinuguan so tinatanong ko muna kung sino ang nagluto.
43.Cold drinks o hot drinks?
- sa ngayon, parang mas madami akong iniinom na hot (coffee and tea)
44.Ginagawa mo din bang lipstick ung cherry ball bago mo kainin?
- oo. nung bata ako, trip namin to ng mga kalaro ko para kunwari naka-lipstick kami
45.Hany o Chocnut?
- chocnut
46.Anong pagkain ang binibili mo pagktapos mong magsimba?
- wala