Ito ang aking lahok para sa Litratong Pinoy ngayong Huwebes na may temang
Ayaw ko!
Pagdating sa photography, ayaw ko ng:
- malabong kuha (blurred) na dulot ng camera shake
- mali ang settings ng camera ko
- mali ang composition ko
- mali ang focusing ko
Kapag passionate ako sa isang bagay, gusto ko na tama ang ginagawa ko at ayaw ko na nagkakamali. Kaya pag pangit o mali ang mga kuha kong litrato, naiinis ako at nanghihinayang dahil may mga pagkakataon na minsan ko lang makakukuhanan, mali pa pala ako.
Ang asawa ko ang aking mentor/coach pagdating sa photography. Kahit minsan ay napagsasabihan ako ng asawa dahil madalas akong magkamali sa pagkuha ng litrato, natutuwa at nagpapasalamat ako na pinagtya-tiyagaan niya akong turuan.
Sana balang araw, maisaulo kong lahat ng dapat kong malaman sa photography para maiwasan ang nga reject ng litrato ko.
Maligayang Huwebes!